Pinaalalahanan ng Philippine Health Insurance Corp. (PHILHEALTH) ang kanilang mga accredited health care providers sa bansa na kailangang mai-file agad ang kanilang claims for reimbursement 60 araw mula nang ma-discharge ang pasyente.
Ito ayon sa PHILHEALTH ay makaraang magtapos na ang deklarasyon ng State of Calamity bunsod ng COVID-19 pandemic, noong Disyembre 31, 2022.
Dahil dito, epektibo Enero 1, balik na sa 60 mula sa dating 45 araw ang pagpa-file ng claims para sa single period confinement.
Ayon kay PHILHEALTH President at Chief Executive Officer Emmanuel Ledesma, layon nitong maiwasan ang denied claims o iyong mga bumabalik sa ospital.
Kailangang mapataas ng mga health provider at billing personnel ang kamalayan ng mga pasyente gayundin ng kanilang pamilya upang matiyak na mababayaran ang mga ospital sa takdang panahon. | ulat ni Jaymark Dagala