Binigyang diin ni Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Senator Pia Cayetano na hindi dapat naipagbibili ang Filipino citizenship.
Sa naging pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa pagiging talamak at hindi otorisadong paggamit ng Philippine government documents ng mga dayuhan.
Ayon kay Cayetano, dahil sa ganitong modus ay nagagamit ng mga sindikato ang pagka-Pilipino.
Sa pagdinig, lumalabas na nagagawa ito sa pamamagitan ng late registration of birth sa Philippine Statistics Authority (PSA) gamit ang pangalan ng mga patay nang indibidwal o kaya nagpapanggap silang mga Pilipino.
Matapos makatanggap ng lehitimong dokumento mula sa PSA ay saka na mag-a-apply ng Philippine passport ang mga dayuhan.
Ayon sa PSA, kabilang sa top 4 areas na may malaking bilang ng late registrants ang Pasig City, Davao Del Sur, Manila, at Quezon City.
Binahagi naman ng DFA, na nakahuli na sila ng 55 na indibidwal karanihan ay dayuhan, na nagmamay ari ng iba’t ibang pekeng Philippine-issued documents kung saan ang mga kasong ito ay na-endorso na sa NBI. | ulat ni Nimfa Asuncion