Pagpasok bilang barangay tanod, pinalalagyan na ng kwalipikasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinutulak ni San Jose Del Monte City Representative Rida Robes na lagyan ng qualifications ang mga nais na maging barangay tanod.

Sa kaniyang House Bill 7603 o Barangay Tanod Qualifications Act, nakapaloob na kwalipikasyon sa pagiging tanod ang pagiging:

– Filipino citizen;
– Residente ng lugar at rehistradong botante ng lugar kung saan ito
magiging tanod;
– 18 hanggang 59 taong gulang;
– Marunong magbasa at magsulat at mas mainam kung
nakapagtapos ng high school;
– May mabuting pagkatao; at
– May maayos na pag-iisip at pangangatawan.

Ani Robes, bilang pangunahing tagapagpanatili sa kapayapaan at kaayusan ng komunidad, dapat ay mayroong pamantayang sinusunod sa pagkuha ng mga tanod.

Kasama naman sa panukala ang pagkakaroon ng insentibo sa mga makakapasok na tanod.

Bibigyan sila ng P25,000, oras na umabot sa 10 taon ang pagseserbisyo.

Sakop din sila ng Government Service Insurance System (GSIS), at National Health Insurance Program.

Itatakda naman ang retirement age ng mga tanod sa 60 taong gulang. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us