Pinaboran ng Special Division ng Court of Appeals ang apela ng chairperson ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na harangin ang Suspension Order na inilabas ng mga commissioner nito.
Sa desisyon ng 7th Division ng Commission on Appointments (CA), hinarang nito ang pagpapatupad sa Suspension Order laban kay KWF Chairperson Arthur Casanova.
Ayon sa CA, invalid ang kautusan ng mga commissioners laban kay Casanova dahil wala silang kakayahan na magsuspinde ng opisyal na mas mataas sa kanila.
Si Casanova ay sinuspinde ng mga Commissioners dahil hindi daw ito nagpapatawag ng mga meetings mula noong siya ay maitalaga noong 2020.
Kaya naman nagpasya ang mga commissioners na sya ay suspendihin mula June 2022 hanggang October 2022.
Agad siyang nagtungo sa Manila Regional Trial Court para humingi ng Temporary Restraining Order (TRO) at ibasura ang Suspension Order laban sa kanya subalit hindi siya pinagbigyan.
Mabilis naman siyang nagpasaklolo sa CA at makalipas ang ilang buwan ay nagdesisyon ang Appellate Court na katigan ang kanyang apela. | ulat ni Mike Rogas