Inanunsyo ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang nalalapit na paglulunsad ng ‘El Niño Portal’ na pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang anunsyo ay ginawa ng kalihim sa kanyang pagbisita sa Camp O’Donnel sa Capas, Tarlac kamakalawa.
Ayon kay Sec. Teodoro, ang ‘El Niño portal’ ay bahagi ng komprehensibong pagtugon ng pamahalaan sa epekto ng matinding tagtuyot.
Paliwanag ng kalihim, ang ‘El Niño portal’ ay magsisilbing mahalagang kasangkapan sa pagkolekta ng datos upang makatugon sa ‘kakulangan ng suplay ng tubig sa bansa.
Si Sec. Teodoro ang chairpersonng Task Force El Niño na nilikha ng Pangulo para ipatupad ang ‘whole-of-government approach’ sa pagtugon sa problema ng El Niño. | ulat ni Leo Sarne
📷: Fred Abuda