Inilabas na ng Department of Transportation (DOTr) ang iskedyul ng MRT-3 sa darating na Mahal na Araw.
Sa abiso ng MRT management, suspendido ang operasyon ng tren mula Huwebes Santo, March 28 hanggang Linggo ng Pagkabuhay o March 31.
Ito ay para magbigay-daan sa isasagawang taunang maintenance activites tuwing Mahal na Araw.
Mananatili naman ang regular na operasyon ng tren sa Miyerkules Santo kung saan ang last trip ay 9:30 p.m. mula North Avenue Station, at 10:09 p.m. sa Taft Avenue Station.
Magbabalik naman ang operasyon ng lahat ng istasyon ng MRT-3 sa April 1. | ulat ni Merry Ann Bastasa