Pinangunahan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang paglulunsad ng agri-reforestation app ng Philippine Army Armor Division at Tarlac Heritage Foundation (THF) na pinamagatang “Gift of Tree” sa Camp O’Donnel Capas, Tarlac kamakalawa.
Ang “Gift of Tree” app ay magbibigay ng madaling paraan para makapag-sponsor ang publiko ng seedling para sa tree-planting activity na bahagi ng agri-reforestation program na “Gift of Life” ng Army at THF.
Sa kanyang pahayag, binigyang diin ng kalihim ang kahalagahan ng paglikha ng mga sustainable na solusyon upang mapangalagaan ang kalikasan at mga komunidad sa gitna ng paulit-ulit na problemang dulot ng El Niño.
Binigyang diin ng kalihim na kakailanganin ng bansa ng mas maraming dam at water-impounding areas para masiguro ang kalidad ng buhay, kalusugan at kaligtasan ng publiko.
Kasama ng kalihim sa aktibidad sina AFP Chief of Staff Gen. Romeo S. Brawner; ang bagong commander ng Southern Luzon Command (SOLCOM) at kasalukuyang Philippine Army Armor Division Commander MGen. Facundo Palafox IV; mga lokal na opisyal at opisyal ng THF. | ulat ni Leo Sarne
📷: Fred Abuda