Hinikayat ng Office of the Civil Defense (OCD) at ng National Disaster Risk Reduction ang Management Council (NDRRMC) ang publiko na makiisa para sa 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).
Layon nito na maihanda ang sambayanan sa sandaling dumating ang malalakas na lindol partikular na ang pinangangambahang “the Big One”.
Kasunod nito, hinimok din ng OCD ang iba’t ibang Local Disaster Risk Reduction and Management Committee na magsagawa ng community data gathering.
Isasagawa ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Marso 25 ng taong kasalukuyan kung saan inaasahang pangungunahan ito ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr.
Sabayan ding matutunghayan ang NSED sa Facebook page ng Office of the Civil Defense at NDRRMC. | ulat ni Jaymark Dagala