Ibinahagi ni Sec. Amenah Pangandaman sa 68th Annual Commission on the Status of Women ang mga inisyatibo ng gobyerno ng Pilipinas para pababain ang kahirapan sa bansa.
Sa kanyang pagdalo para pangunahan ang delegasyon ng Pilipinas sa unang Ministerial Round Table sa United Nations (UN) headquarters sa New York City, ipinagmalaki niya ang mga progresibong ginagawa ng pamahalaan para magkaroon ng lakas ang mga kababaihan.
Ang pinakamalaking taunang event sa gender equality at women’s empowerment,
pinagyayaman ng CSW ang mahalagang pag-uusap sa pagitan ng mga gobyerno, civil society organizations, eksperto, at mga actibistas sa buong mundo, and mga diyalogo na nakatuon sa mga kinakailangang aksyon at investments upang puksain ang ‘women’s poverty’ at ipagtanggol ang pantay na karapatan ng lahat ng kasarian.
Isa sa mga aktibidad ng CSW ay ang series ng Ministerial Round Tables, bawat isa ay tumatalakay sa ibang paksa ngunit naka-angkla sa priority theme ngayong taon.
Tinalakay sa unang Ministerial Round Table ang mobilisasyon ng financing para sa gender equality at empowerment ng lahat ng kababaihan at mga batang babae, nakasentro sa mga polisiya, istratehiya upang tuldukan ang kahirapan.
Kasama sa mga tinalakay ng Pilipinas ay ang 1995 Gender and Development budget policy o “The Women’s Budget,” na itinatag para sa implementasyon ng mga proyekto at programa na naka-focus sa Gender and Equality Woman Empowerment, Magna Carta of Women, at umaayon sa mga guideline para sa pagde-develop ng annual GAD plans, mga budget, at accomplishment reports, gender-responsive na sumasaklaw sa pagpapalakas ng mga kababaihan at pagkakapantay-pantay ng kasarian, pati na rin ang pagsasama ng mga gender-responsive elements sa mga pangunahing programa.
Bukod dyan, itinampok din sa conference ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program, Small Enterprise Technology Upgrading Program na sumusuporta sa vision na gender-responsive Micro, Small, and Medium Enterprises sector at mga scholarship na inaalok sa Pilipinas, mula sa antas na secondary hanggang post-graduate, upang labanan ang gendered na kahirapan sa pamamagitan ng pagtataguyod ng edukasyong nakabatay sa agham.
Sa kalusugan, sinabi ni Sec. Pangandaman na malaking bahagi ng budget ng Pilipinas ang napupunta sa pagtitiyak ng well-being at nutrisyon ng mga buntis at nagpapasusong kababaihan.
Ang pondo ay nakatuon sa paghahatid ng mga socio-economic na serbisyo na naaangkop sa kultura at sensitibo sa mga pagsasaalang-alang ng kasarian, na minonitor sa pamamagitan ng ‘gender budget tagging initiative’. | ulat ni Mike Rogas
📷: DBM