Iniulat ngayon ng National Irrigation Administration na aabot na sa 82 solar power-driven pump irrigation projects ang nakumpleto ng ahensya nitong 2023.
Ayon sa NIA, ang mga proyektong ito ay alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para mapatatag pa rin ang produksyon ng mga magsasaka sa gitna ng umiiral na El Niño.
Nagkakahalaga naman ang mga nakumpletong proyekto ng P667 milyon na naghahatid na ng suplay ng tubig sa 866 ektarya ng lupang sakahan sa bansa at napapakinabangan ng 1,061 magsasaka.
Sa pamamagitan ng solar power-driven pump irrigation projects, magkakaroon ng augmentation ang mga sakahan nang hindi lubusang maapektuhan ng mas mababang irrigation allocation mula sa mga dam at reservoirs.
Una na ring ipinunto ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. na kasama ang solar-powered irrigation sa mitigating measures ng pamahalaan pantugon sa epekto ng El Niño.
“As the NIA continues its ventures for solar power-driven irrigation projects to irrigate lands free from the burden of shouldering high fuel costs, the Agency sees the potential of solar irrigation projects in mitigating the effects of El Niño and in supporting the agricultural development of the country.” | ulat ni Merry Ann Bastasa