Patuloy na nagpapa-alala sa publiko ang Department of Health (DOH) kaugnay sa patuloy na pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, may mga naitatala pa rin sila na tinatamaan at nahahawaan ng corona virus.
Pero maliit na porsyento lamang daw ito kung ikukumpara sa mga nakaraang buwan.
Sa kasalukuyan, ang daily average cases ng COVID-19 ay nasa 36 na lamang habang mayroong 251 na active cases.
Sa daily average cases, tatlo lamang dito ang maituturing na severe o may malalang kondisyon habang pito ang namatay kung saan ang lima dito ay naitala noong Pebrero 20 hanggang Marso 4.
Pagdating sa mga COVID-19 Intensive Care Unit (ICU) beds, 10 porsyento lamang ang nagagamit, habang 11 porsyento lamang ang nagamit sa mga non-ICU beds. | ulat ni Mike Rogas