Binigyang diin ng ilang House leaders ang suporta ng Kongreso sa kinakailangang budgetary support ng Philippine General Hospital (PGH).
Ito ang sagot ni House Deputy Majority Leader Janette Garin nang tanungin ng media sa tulong na maaaring ipagkaloob sa PGH kasunod ng naganap na sunog sa ospital.
Ayon kay Garin, suportado ng Kamara ang lahat ng aspetong pangangailangan ng government hospital mula personnel salaries and benefits, operational support, infrastructure requirements at maging ang medical aid sa mga indigent patient.
Sa daily press conference sa Kamara, kinilala nila Rep. Garin at Deputy Majority leader Erwin Tulfo ang suporta ng Kongreso sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez Jr., sa mga programang pangkalusugan ng Marcos Jr. administration.
Dagdag pa ng lady solon, ipinauubaya nila sa Department of Health ang paglalaan ng pondo sa mga government hospital gaya ng PGH. | ulat ni Melany Valdoz Reyes