Sen. Gatchalian, ikinagalak ang pagsasabatas ng “No Permit, No Exam Prohibition Law”

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si Senate Committee on Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian sa pagkakapirma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Republic Act 11984 o ang No Permit, No Exam Prohibition Act.

Ayon kay Gatchalian, ang pagkakapirma nito bilang isang ganap na batas ay magtitiyak na hindi na magiging hadlang ang problemang pinansiyal ng mga disadvantaged students sa pagtupad nila ng kanilang academic requirements sa tamang oras.

Kasabay nito, pinunto ng senador na ang batas ay makapagbibigay rin ito ng ibang paraan na maaaring ipatupad ng mga institusyong pang-edukasyon para sa mga mag-aaral na may natitira pang mga obligasyon.

Sa huli, ang mga estudyante at ang kani-kanilang mga pamilya aniya ang makikinabang sa batas na ito.

Kasabay nito ay nanawagan rin si Gatchalian sa mga educational institutions na sumunod at manatiling tapat sa layunin ng batas.

Napapanahon na aniyang tuldukan ang matagal nang nakagawian na hindi pagpapahintulot na mag-exam ang mga estudyanteng may utang pa sa mga paaralan. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us