Pinagkalooban na ng tulong pangkabuhayan ang mga vendors at stall owners mula sa nasunog na San Fernando City Market sa La Union noong Enero.
Ang bigay na tulong ay mula sa Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, humigit kumulang sa 684 eligible vendors at stall owners ang tumanggap ng pangkabuhayan grants na Php5,000 hanggang Php15,000 bawat isa depende sa proposed livelihood projects.
Binanggit ng kalihim ang kahalagahan ng whole-of-nation approach sa pagtugon sa pangangailangan ng vendors at stall owners matapos na maapektuhan ng sunog ang kanilang ikinabubuhay.
Nauna ng nagkaloob ng tulong pinansyal ,food and non-food items, at psychosocial support ang DSWD Field Office-1 sa mga nasunugan.| ulat ni Rey Ferrer