Muling nakapagtala ng panibagong record ang binansagang “Pinoy Aquaman” na si Atty. Ingemar Macarine matapos languyin ang karagatan ng Capiz ngayong linggo, Marso 17.
Si Macarine ang unang open water swimmer na nakapaglangoy mula sa isla ng Olotayan patungong mainland sa Roxas City na may distansyang 10.8 kilometros.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Roxas City Mayor Ronnie Dadivas sa Pinoy Aquaman sa pagpili ng lugar bilang venue ng kaniyang panibagong open water swimming record at environmental protection advocacy.
Ayon sa alkalde, makakatulong ito sa turismo ng lungsod. | ulat ni Hope Torrechante | RP Iloilo
Photo: Ronnie Dadivas/FB