High tech na ang pagbabantay ng pamahalaan ngayong Semana Santa.
Patunay diyan ang paglulunsad ng Department of Information and Communications Technology – Cybercrime Investigation and Coordinating Center (DICT-CICC), Department of Transportation – Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) katuwang ang SCam Watch Pilipinas ng ‘Online Bantay Lakbay 2024’.
Layon ng naturang programa na paigtingin ang seguridad at kaligtasan ng mga biyahero online ngayong darating na Holy Week at summer.
Sa ilalim ng #OplanBiyahengAyos2024, at pakikipag-isa ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at pribadong sektor, maaari nang mag-report ang nabiktima ng travel scams o kahina-hinalang mensahe mula sa mga indibidwal, grupo at organisasyon, sa #HOTLINE1326.
Inaasahang masasagasaan ng naturang programa ang mga travel scams at iba pang online schemes na nambibiktima ng mga biyahero. | ulat ni Lorenz Tanjoco