Aabot sa 653 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program beneficiaries ang nakiisa sa Onsite Registration ng Lifeline Rate Subsidy Program na isinagawa sa Digos, Davao del Sur.
Sa mismong onsite registration, nabigyan ng tamang paliwanag at karunungan ang mga benepisyaryo ng 4Ps kung ano nga ba ang Lifeline Rate Subsidy Program.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Department of Energy, Energy Regulatory Commission, Davao del Sur Electric Cooperative (DASURECO) at ang guided workforce ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development Field Office 12.
Pinaliwanag ng DOE na ang Lifeline Rate Subsidy ay isang non-cash monetary discount sa buwanang singil sa kuryente.
Ang Lifeline Rate Subsidy Program ay isang programa sa ilalim ng batas ng Republic Act 11552 at prayoridad na mabenepisyuhan ang mga benepisyaryo ng 4Ps.
Lahat ng benepisyaryo ay kinakailangang mag-apply sa DASURECO bago ma-apply ang diskwento. | ulat ni Rey Ferrer
📷: DSWD