Nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na masusing busisiin ang mga indibidwal, grupo at kumpanya na gumagamit ng pangalan at logo ng BSP.
Ginawa ng BSP ang paalala kasunod nang nadiskubre nilang may mga kumpanya na gumagamit BSP logo sa kanilang website at social media accounts at promotional materials.
Partikular na tinukoy ng BSP ang SKPOOL Mining Corporation at kanilang mga representative na nagsasabi na ang kanilang mga produkto, serbisyo at mga ari-arian at lisensyado, awtorisado, ginagatiyahan, na-verify, na-certify at nakumpirma ng BSP.
Hinihimok ng BSP ang publiko na maging mapagbatantay sa SKPOOLS Mining Corporation na ang aktibididad ay “Currency Computing Mining Machines.”
Payo ng Bangko Sentral, kumpirmahin sa kanilang opisyal na website ang mga financial institution kung lisensyado ba ito ng BSP.| ulat ni Melany V. Reyes