Isa sa tinitignan ngayon ng Kamara ay ang pag-aakyat na sa COMELEC ng Resolution of Both Houses No. 7 (RBH7) oras na lumusot sa Mababang Kapulungan.
Ayon kay House Majority Leader Manuel Jose Dalipe, inaasahan nila na ngayong Miyerkules ay maaprubahan ang RBH 7 o panukalang amyenda sa ilang economic provisions ng 1987 Constitution sa ikatlong pagbasa.
KailangaN aniya na makakuha ito ng ¾ vote o 232 na pabor na boto para maipasa.
Paliwanag ng House Majority leader, sa COMELEC naman aniya talaga Ang punta ng panukalang economic cha-cha dahil ito ang magdedesisyon kung angkop o sapat na ito para magkasa ng plebesito.
“That is my interpretation that the House and the Senate will forward it to COMELEC. Because ultimately it will be COMELEC who will finally decide it. If is up to be presented to the, to our voters in a plebiscite. So ganun pong mangyayari, pag meron na tayong three-fourths vote ng RBH 7 dito sa House, at meron din yung Senate, eh ang ultimately magde-decision niyan yung Comelec. So sila yung magsasabi. Basta wala naman kasi iba pang opisina na pwede i-forward ‘to kung hindi sa Commission on Election.” sabi ni Dalipe.
Umaasa rin sila na gaya ng Kamara ay makakakuha rin ng ¾ vote sa Senado para mapagtibay ang kanilang bersyon ng economic cha-cha na nakapaloob sa RBH 6.
Oras na mangyari ito ay maaari na rin aniya dalhin ng Mataas na Kapulungan ang kanilang RBH 6 sa COMELEC.
“Well, we hope that, we are very optimistic that the Senate will also have three-fourths vote, because it’s stated in the Constitution that three-fourths both of Congress,” dagdag ni Dalipe.| ulat ni Kathleen Forbes