Nagbabala ang Department of Education (DepEd) sa publiko kaugnay sa kumakalat online na mga pekeng scholarship umano ng ahensya.
Ayon sa abiso, ang mga post na ito ay iligal na ginagamit ang DepEd seal at larawan ni Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte para makapanloko ng tao.
Sa naturang post, nakalagay na ang lahat ng mga estudyante at mag-aaral ay dapat na mag-apply sa scholarship grant na nagkakahalaga ng:
Elementary – P5,000
Highschool – P7,000
College – P10,000
Vocational – P10,000
Sabi pa sa pekeng post na kinaikailangan lamang ng school ID upang magpalista.
Nagpaalala naman ang DepEd sa lahat na maging maingat at mapanuri sa mga impormasyon sa social media. Para sa mga opisyal na anunsyo at impormasyon kaugnay sa kagawaran, maaaring bisitahin ang opisyal na accounts ng ahensya.
Nanawagan din ang DepEd na i-report sa kanila ang mga mali at kahinahinalang impormasyon tungkol sa basic education.| ulat ni Diane Lear