Naglabas na ng pinal na presyo ang ilang mga kumpanya ng langis hinggil sa taas baba sa presyo ng produktong petrolyo bukas.
Simula alas-6:00 ng umaga ng Martes ipatutupad ng kumpanyang Pilipinas Shell, Seaoil, Caltex, Petro Gas, Unioil at PTT Philippines ang dagdag na ₱0.10 sa kada litro ng gasolina habang wala namang paggalaw sa presyo ng kerosene
Kaugnay nito, mayroon ding rollback sa kada litro ng diesel kung saan ₱0.10 ang tapyas sa kada litro nito.
Inaasahang susunod na ang ilang kumpanya ng langis sa kaperehon presyo nito bukas. | ulat ni AJ Ignacio