Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) at mga sangay na ahensya nito na nakahanda itong umalalay sa mga pasahero sa paparating na Semana Santa.
Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga bibiyahe sa Mahal na Araw.
Bilang bahagi ng paghahanda sa Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024, naka-heightened alert ang DOTr at ang apat na sektor nito simula sa March 23 hanggang March 31. Inaasahan kasi ang pagdagsa ng mga bibiyahe sa mga terminal, pantalan, paliparapan, at istasyon ng mga tren.
Naglabas din ng listahan ng mga numero o hotline and DOTr na maaaring tawagan. Bisitahin lamang ang Facebook page ng ahensya.
Ayon sa DOTr, kung may katanungan o may nais i-report mangyari lamang na tumawag sa mga numero.
Paalala naman ng ahensya na mag-ingat at planuhin ng maaga ang kanilang biyahe para sa darating sa Semana Santa. | ulat ni Diane Lear