Pinuri ni US IndoPacific Command (USINDOPACOM) Commander Admiral John Aquilino ang may prinsipyong paninindigan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro at Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa huling insidente sa Ayungin Shoal.
Ito’y sa pagbisita ni Adm. Aquilino kasama si US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson sa DND para talakayin ang mga isyung panseguridad na kapwa interes ng Pilipinas at U.S. noong Miyerkules.
Sumentro ang pag-uusap sa pagpapalakas ng kakayahang pandepensa ng Pilipinas at ang implementasyon ng Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC).
Nagkasundo ang mga opisyal na pabilisin ang pagsulong ng General Security of Military Information Agreement (SOMIA) na magpapalakas sa kolaborasyon ng mga pwersa ng dalawang bansa sa larangan ng information technology. | ulat ni Leo Sarne
📸: DND