Kinumpirma ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng limang bagong opisyal sa komisyon.
Kabilang sa mga in-appoint na opisyal sila Dr. Jimmy Catanes, Dr. Lora Yusi, at Dr. Mary Sylvette Gunigundo bilang Directors IV, at Atty. Marco Domingo at Dr. Rody Garcia bilang Directors III ng CHED.
Nanumpa na rin ang mga ito sa tungkulin sa harap ni CHED Secretary Popoy De Vera.
Ayon naman kay Sec. De Vera, kumpiyansa siya sa academic credentials at expertise ng mga opisyal.
Inaasahan din nitong makatutulong ang mga ito sa paggampan ng CHED ng kanilang mandato lalo na ang mga priority measures ng Marcos administration.
“The appointment of our new CHED directors is a manifestation of President Marcos’ vision for people in government to be the best and the brightest with a commitment for efficient and responsive public service,” ani De Vera. | ulat ni Merry Ann Bastasa.