Patuloy na inaaapula ng Bureau of Fire Protection – Manila ang sunog sa isang residential area sa Benita Street sa Barangay 186 Tondo, Manila.
Nagsimula ang sunog kaninang ala-1:50 ng madaling araw kung saan inakyat ito ng ikalawang alarma.
Halos anim na oras na rin inaapula ang sunog kung saan nadamay ang isang building na imbakan ng tela at mga damit.
Nabatid na inabot ang nasabing establisyimento matapos na gumapang ang apoy sa bintana ng ikalawang palapag.
Sa inisyal naman na imbestigasyon, nasa 15 pamilya ang nawalan ng tirahan kung saan nagtutulong-tulong ang mga residente upang maapula ang apoy. | ulat ni Mike Rogas