Walang papayagan na mag-day off at mag-leave of absence sa mga tauhan ng Philippine Ports Authority ngayong Semana Santa.
Ito ang ipinag-utos ni PPA General Manager Jay Santiago sa lahat ng kawani sa mga pantalan.
Ayon kay Santiago, ito ay para maserbisyuhan ang lahat ng mga byahero na dadagsa sa mga pantalan sa long weekend vacation.
Katunayan, handa na ang kanilang mga preparasyon para sa inaasahang mahigit dalawang milyong pasahero na dadagsa sa mga pier.
Limang malalaking pantalan sa bansa ang mas dinoble ang preparasyon para matiyak ang kaligtasan ng mga ito. | ulat ni Mike Rogas