Tiniyak ng Department of Finance (DOF) na dadaan sa matinding pagbusisi ang lahat ng proyekto at kontrata ng gobyerno.
Ginawa ni Finance Secretary Ralph Recto ang pahayag kasunod ng paglagdag ng public-private partnership (PPP) concession agreement ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay Recto, sisiguruhin ng kanyang kagawaran na bawat proyektong papasukin ng gobyerno ay higit na papakinabangan ng taumbayan.
Nanawagan din ito sa San Miguel Corporation na i-maximize ang potenysal ng bansa sa kanilang isasagawang rehabilitasyon ng NAIA.
Paliwanang nito, ang pagpapaganda ng main gateway ng Pilipinas ay inaasahang magdadala ng mas maraming turista at magtutulak ng economic growth sa bansa.
Umaasa din ang kalihim na ang groundbreaking deal sa ilalim ng public-private partnership ay magiging simula ng future PPP initiatives kung saan gagarantiyahan ng inklusibong ekonomiya sa bansa.
Ayon sa DOF, ang ₱170.6-billion pesos na concession agreement ay inaasahang magbubunga ng ₱900-billion sa loob ng concession period nito na 15 years na may 10 years provision extension. | ulat ni Melany Valdoz Reyes