Kasabay ng papalapit na paggunita ng Holy Week ngayong taon ay ang pagbiyahe ng karamihan ng mga Pilipino sa iba’t ibang lugar sa bansa ay ang kawalan ng pasok sa eskwelahan, opisina at iba pang establisyimento.
Dahil dito ay naglabas ng paalala ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center na bahagi ng kanilang ‘Online Bantay Lakbay’ para sa publiko partikular na sa mga biyahero para maiwasang mabiktima ng mga travel scam.
Ayon sa CICC, dapat maging alerto ang mga manlalakbay sa 14 na scam na madalas ginagamit ngayon ng mga mapagsamantalang indibidwal.
Ito ay ang mga sumusunod:
1. Fake accommodation – kung saan peke ang nakausap mong hotel representative kung saan ka nag-book ng iyong accommodation.
2. Fake Wifi – sa oras na maka-connect dito ang isang indibidwal ay maaring manakaw ang mga banking information nito.
3. Too-Good-To-Be-True deals – manggagaling ito sa email, text o tawag kung saan may mga offer ang mga scammer ng sobrang gandang mga deals o sobrang murang mga events at accommodations.
4. Free vacation trap – ito naman ang paraan kung saan nanalo umano ang isang indibidwal ng isang napakalaking halaga o ng accommodation sa isang sikat na hotel at para ma-claim ang premyo ay kinakailangan lamang magbigay ng maliit na halaga.
5. Fake travel agents – ito naman ung mga nagpapanggap na empleyado ng iba’t ibang lehitimong travel companies para sa kanila ka magbayad ng serbisyso na kailangan mo.
6. Overpriced tours – ang mga scamme sa mga tourist activities at spots ay tinataasan ang presyo ng mga aktibidad.
7. Charity Cons – ito naman ang mga nagkukunwaring mga charity institutions para makahingi ng pera sa mga turista.
8.Counterfeit cash – modus ito ng mga nag ma-money exchange sa mga turista kung saan mas mababa ang bilihan sa kanila ng local money subalit pekeng salapi naman ang matatanggap mo.
9. Hidden CCTVs – layon naman nito na makapanamantala sa mga hotel room o accommodations
10. Fake taxi – walang metro ang mga ito at overprice kung maningil.
11. Selling lost luggage on FB – una nang nilinaw ng Manila International Airport Authority (MIAA) na walang bentahan ng luggage na nagaganap sa kanilang tanggapan.
12. Fake SIMs – madalas itong binebenta ng mura sa ibang mga bansa subalit mahina ang signal nito o hindi gumagana.
13. fixers – ito yung mga nag-aalok ng mga serbisyo para hindi ka na pipila pa.
14. Cheap airline tickets on socmed – bentahan ng peken airlines tickets na sobrang mura.
Payo ng CICC para maiwasan ang mga naturang scam at huwag magpabulag sa mga nakakatuksong mga alok online, o sobrang murang presyo at mga napanalunan umanong premyo, ugaliing kumpirmahin sa mismong kumpanya ang iniaalok at tiyakin na lehitimo ang kausap na representante nito.
Maaari ding magsumbong sa 1326 para agad makaaksyon ang pamahalan laban sa mga scammer. | ulat ni Lorenz Tanjoco