Umaksyon na ang Department of Trade and Industry laban sa kontrobersyal na vape brand na FLAVA.
Sa pamamagitan ng Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB), pinasususpinde ng DTI ang pagbebenta, paggawa, pag-import, at distribusyon ng mga produkto ng Flava Corporation.
Nag-ugat ang naturang kautusan sa sinasabing paglabag ng FLAVA sa Republic Act No. 11900 o the Vape Law, partikular ang product communication restrictions, kabilang na ang paggamit ng flavor descriptors at mga celebrity.
Nakaayon din ang nasabing suspensyon sa direktiba ni Trade Secretary Alfredo Pascual na tanggalin ang mga pasaway na produkto sa merkado para protektahan ang mga consumer.
Giit ng kalihim, hindi uurong ang DTI sa responsibilidad nito na ipatupad ang trade, industry, at consumer protection laws para tulungan ang mga lehitimong negosyo na protektahan ang mga consumer. | ulat ni Lorenz Tanjoco