Opisyal na napasalamat ang Bureau of Fire Protection sa handog ng Taguig LGU na 3 bagong fire trucks, 3 motor vehicle at iba’t ibang mga fire equipment.
Pinangunahan ni Taguig Mayor Lani Cayetano ang turnover ceremony kung saan kasabay nito ang 10th Fire Olympics.
Layon ng pamahalaang lokal ngTtaguig na paigtingin ang kakayahan ng mga bumbero partikular na ang BFP at mapabilis ang responde sa sunog.
Kasabay ng pamamahagi ng firefigthing vehicles at equipments inilunsad din ang ika-10 Inter-Barangay Fire Olympics kung saan ang lokal na pamahalaan ng Taguig ang host sa kauna-unahang Fire Paralympics and Inter-School Fire Olympics.
Ang pagsasagawa ng Fire Olympics kada taon ang paraan ng lokal na pamahalaan ng Taguig ng pagdiriwang ng Fire Prevention Month.
Ayon kay Mayor Lani ang araw na ito ay pagpapakita ng kanilang kahandaan ng lokal na pamahalaan ng Taguig sa anumang uri o panahon ng sakuna. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: Jesse Bustos/The Philippine STAR