Nakakakita na ng pagbuti sa produksyon ng Pilipinas sa asin.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni BFAR Spokesperson Nazario Briguera na mula nang maupo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pwesto agad niyang pinatutukan ang pag-develop sa salt industry ng bansa.
Kung noon aniya ay nasa 90% ng asin ng bansa ang inaangkat ng Pilipinas, sa kasalukuyan, nasa 84% na lamang ito.
Nangangahulugan lamang aniya ito na kayang palakasin ang salt Industry ng bansa, kung tututukan ito.
Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na asahan pa ang patuloy na pagganda ng industriyang ito, lalo’t naipasa na ang Salt Industry Development Act.
“Isa itong bagong batas, kung saan defined na kung sinong agency ang dapat na humahawak, ano dapat ang maging direksyon natin pagdating sa industriya ng asin, para ma-achieve natin ang pagbaba ng ating dependency sa importation.” — Spox Briguera. | ulat ni Racquel Bayan