May positibo ring bunga sa sektor ng agrikultura ang ilang araw na working visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Czech Republic.
Ayon sa Department of Agriculture, kasama rito ang pangangailangan ng Czech Republic Ministry of Agriculture para sa dagdag na trabahante sa livestock sector nito.
Sa inisyal na tantya ng DA, posibleng nasa 20,000 butchers ang kailangang i-recruit ng Czech Republic.
Handa naman aniya ang DA na makipag-ugnay sa Department of Labor and Employment at Technical Education and Skills Development Authority para sa pag-usad nito.
“Nangangailangan ng maraming butchers atsaka trabahante sa livestock sector ng Czech Republic” — Agriculture Asec. Arnel de Mesa. | ulat ni Merry Ann Bastasa