Inaasahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglapit pa ng pamahalaan sa target nitong makamtan ang isang mas matatag na Bagong Pilipinas.
Pahayag ito ng Pangulo, makaraang pangunahan ang ikaapat na Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC meeting sa Malacañang, ngayong araw (March 19).
Ayon sa Pangulo, 14 na mula sa 57 priority bills ng administrasyon ang naisabatas na.
Aniya, sa pulong ngayong araw, tinutukan rin ang pagbibigay prayoridad sa mga panukala na layong isulong ang pagpapalakas ng kabuhayan, proteksyon ng kapaligiran, at pagpapalakas ng seguridad.
“We’ve enacted 14 of 57 priority bills and are reprioritizing measures to boost livelihood, protect the environment, and strengthen security.” -Pangulong Marcos Jr.
At sa tulong aniya ng mga panukala na nakatakda na ring maipasa sa darating na Hunyo, mas lalapit pa ang bansa tungo sa isang Bagong Pilipinas.
“With seven more bills slated for passage in June, we’re advancing towards a stronger Bagong Pilipinas.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan