Nagpahayag ng kumpiyansa si National Security Adviser Secretary Eduardo Año na makakamit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang target na buwagin ang NPA bago matapos ang taon.
Ang pahayag ay ginawa ng kalihim, kasunod ng pormal na declaration noong Marso 15 sa Surigao Del Norte bilang “insurgency free”.
Sinabi ng kalihim, na ito ay testamento ng pagiging epektibo ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pagapapatupad ng “whole of Nation” at “whole of government” approach sa paglaban sa insurhensya.
Ayon sa kalihim, sa ngayon ay “strategically defeated” na ang NPA at nasa pinakamahinang antas na ang kilusang komunista sa kanilang 52-taong kasaysayan. | ulat ni Leo Sarne