Kinilala at pinuri ng mga mambabatas ang naitalang pagbaba sa kriminalidad at kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay Lanao del Norte Rep. Khalid Dimaporo, maiuugnay ang tagumpay na ito sa magandang relasyon ni Pangulong Marcos sa mga lokal na opisyal.
Aniya, bilang dating naging local chief executive ay may maganda siyang makikitungo sa mga mayor at mga gobernador na nakakatulong din para magkaroon ng maayos na koordinasyon sa mga otoridad sa kani-kanilang lokalidad.
“…I think that is attributed to his background as a former local chief executive. When it comes to crime, as a President, I feel you need to have a strong bond with your mayors and the governors. And I think that’s one of the advantages or assets that President BBM has in this administration. He has a very clean and very good relationship with our local chief executives and any problems at the LGU level, he tries his best to resolve. And what’s critical here is in the part of criminality are the police directors,” sabi ni Dimaporo.
Para kay Negros Occidental Rep. Francisco Benitez, nakakamangha na nagawa ng Pangulo na balansehin ang pagpapalakas sa democratic institutions at pagkilala sa karapatang pantao.
“pwede namang palakasin ang ating mga demokrasya, institusyong pang demokrasya kasabay ng karapatang pantao, as well as peace and order at the same time. That kind of balancing act is not easy, so I suspect Cong. Khalid is correct and I would like to echo it, that it probably comes from the President’s own background and experiences as a local chief executive,” wika ni Benitez.
Pinuri naman ni Iloilo Rep. Janette Garin ang ‘bloodless campaign’ ng Marcos Jr. administration.
Aniya, hindi maitatanggi na nakasira sa imahe ng Pilipinas ang mga lumabas na ulat ng mga menor de edad na namamatay at mga litrato na may nakabalot ang mukha noong nakaraang administrasyon.
Bagamat maganda naman ang hangarin ng nakaraang administrasyon na tuldukan ang iligal na droga, puro maliliit lang kasi ang natatamaan.
“…the problem with seeing children or teenager or people being killed right and left, iyung mga nakabalot ng mga tape, medyo masamang picture kasi siya na ipinakita sa Pilipinas…So, we congratulate the current administration and its bloodless campaign. But of course, we also have to make sure that rules and laws are implemented.” punto ni Garin
Ikinalugod naman ni PBA Party-list Rep. Margarita Nograles na kaya naman pala ng pamahalaan na walang dahas sa pagpapatupad ng batas.
“…you don’t take the laws into your own hands. You do not violate the laws dapat, so nakakatuwa, congratulations to this administration for doing that, na kaya naman pala diba. Makikita natin, kung walang gulo, walang krimen, peaceful, mas mapa-prioritize natin ano bang nakakabuti sa taong bayan,” pahayag ni Nograles. | ulat Kathleen Forbes