Niratipikahan na ng Senado ang bicameral conference committee report para sa panukalang PNP Reorganization.
Sa ilalim ng ratified version ng panukala, aalisin na sa mga alkalde at gobernador ang kapangyarihang magtalaga ng local police chief sa kanilang lugar at ito ay ililipat na sa pamunuan ng PNP.
Sa kabila nito, mananatili pa rin sa mga lokal na pamahalaan ang operational supervision at kontrol sa mga PNP units oras na maitalaga na ang mga local police chief.
Itinatakda rin ng panukala na magiging 57 years old na ang age of retirement ng mga pulis, mula sa kasalukuyang 56 years old.
Isinusulong rin nitong mataasan ang estado ng mga kadete ng PNP academy at gagawaran na sila ng sweldo at mga benepisyo na kapantay ng mga police executive.
Pinatataasan din ang status ng mga kadete ng PNP academy at bibigyan sila ng sweldo at benepisyo kapantay ng mga police executive master sergeant. | ulat ni Nimfa Asuncion