Naglabas na ang Senado ng arrest order laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.
Ito ay bunga ng hindi pagdalo ni Quiboloy sa mga pagdinig ng Senate Committee on Women tungkol sa mga alegasyon ng pang aabuso umano nito sa mga KOJC members
Pirmado ni Senate Committee on Women Chairperson Senadora Risa Hontiveros ang arrest order at inaprubahan na rin ni Senate President Juan Miguel Zubiri.
Sa pahayag ni Senate President Zubiri, ipinunto nitong kinilala ng Senado ang karapatan ni Quiboloy at sinunod ang nararapat na due process para mapakinggan ang panig nito.
Una nang naglabas ng show cause order ang komite laban kay Quiboloy para maipaliwanag niton kung bakit hindi siya dapat ipa-contempt at arestuhin ng Senado.
Nakapagsumite ng tugon ang kampo ni Quiboloy sa Senado pero hindi naging katanggap-tanggap para kay Committee Chairman Hontiveros ang naging paliwanag ng kampo ni Quiboloy.
Nagpasalamat naman si Senadora Hontiveros sa naging aksyon ni SP Zubiri. | ulat ni Nimfa Asuncion