Pina-cite in contempt ng Senate Committee on Public Order ang dating pulis na si Allan de Castro, ang pangunahing suspek sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon.
Sa pagharap ni De Castro sa pagdinig ng Senado ngayong araw, mariing tinanggi ni De Castro na may relasyon sila ni Camilon.
Taliwas ito sa pahayag ng ina ni Camilon na kasintahan ni De Castro ang anak nito.
Ito rin ang lumalabas sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police-Criminal Invesitgation and Detection Group (PNP-CIDG) base na rin sa mga testimonya ng mga testigo sa kaso at mga larawan na nagpapakita ng malapit na relasyon ng dalawa.
Dahil sa paulit ulit na pagtanggi ni De castro, nagmosyon na si Senador Robin Padilla na ipa-contempt ito dahil sa pagsisinungaling sa kumite.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Senate Sergeant at Arms si De Castro.| ulat ni Nimfa Asuncion