Pangungunahan ng Office of Civil Defense (OCD) ang isang Eartquake Preparedness Summit para sa Metro Manila at Greater Metro Manila Area, bukas, March 21 sa Manila Prince Hotel, Ermita Manila.
Layon ng pagpupulong na maging plataporma sa pagtalakay sa iba’t ibang earthquake scenario sa bansa, at sa paghahanda ng iba’t ibang sektor para sa inaasahang “the big one” o mahigit 7.2 magnitude na lindol sa Metro Manila.
Kalahok dito ang mga representante ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, unipormadong sebisyo, sibikong organisasyon, non-government organizations (NGOs), pribadong sektor, academe, at mga apektadong lokal na pamahalaan.
Inanyayahan ng OCD ang publiko na makilahok sa pamamagitan ng pagsubaybay sa livestream sa Civil Defense PH Facebook page, simula alas-9 ng umaga sa Huwebes. | ulat ni Leo Sarne