Ikinatuwa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang promosyon sa may 129 na opisyal nito.
Kasunod iyan ng pagkakalusot ng ad-interim appointments sa mga heneral at colonel ng militar sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) kahapon.
Kabilang sa mga na-promote na military officials ang isang Major General, dalawang Brigadier General, gayundin ng 129 na Colonel at Navy Captains.
Kasama rito ang promosyon sa may 13 babaeng senior officers kabilang na ang kauna-unahang babaeng tagapagsalita ng AFP na si Colonel Francel Margareth Padilla.
Ayon sa AFP, ang kumpirmasyon ng makapangyarihang komite ay patunay na epektibo ang pagpapatupad ng promotion system sa hanay ng militar na nagbibigay prayoridad sa kakayahan at karakter ng mga pipiliing pinuno ng kanilang hanay sa hinaharap. | ulat ni Jaymark Dagala