Tiniyak ni United States Secretary of State Antony Blinken ang pinalawig na suporta ng Estados Unidos sa semi-conductor industry ng bansa.
Ang pahayag ay ginawa ng kalihim sa kanyang pagbisita sa Amkor Technology Philippines Manufacturing facility sa Muntinlupa kahapon.
Ayon sa kalihim, ang Pilipinas ay isang “critical partner” ng Estados Unidos sa Semi-conductor supply chain, at mahalagang masiguro na malakas at matatag ang supply chain.
Sa pamamagitan aniya ng CHIPS Act na naglaan ng malaking pondo na pinangangasiwaan ng State Department, namumuhunan ang Estados Unidos sa mga partner countries para mapalakas ang kanilang kapasidad at mapalawak ang workforce sa semiconductor industry.
Sinabi ni Sec. Blinken na siya ay “optimistic” sa lahat ng maaring gawin para mapaunlad ang semi-conductor industry ng bansa, na lilikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino, magpapatibay sa supply chain, at magpapaandar sa ekonomiya ng bansa sa 21st Century. | ulat ni Leo Sarne
📷: AMKOR