Pinaigting ng mga pwersa ng Pilipinas at Indonesia ang kanilang kooperasyon para mapalakas ang border security sa pagitan ng dalawang bansa laban sa mga iligal na aktibidad.
Ito’y sa pamamagitan ng isinagawang sabayang pagpatrolya sa karagatan ng Naval Forces Eastern Mindanao at Indonesian Navy kahapon, Marso 19, na bahagi ng Coordinated Patrol Philippines-Indonesia o CORPAT PHILINDO exercise.
Lumahok sa ehersisyo ang BRP Artemio Ricarte (PS37) at NV394, sa ilalim ng Naval Task Force 71 ng Philippine Navy; at KRI-PANDRONG 801 ng Indonesian Navy.
Bukod sa pagpapalakas ng border security ng Pilipinas at Indonesia, ang ehersisyo ay pagakataon para mapalakas ang interoperability ng mga pwersa ng dalawang bansa, at mapatatag ang magandang diplomatikong ugnayan ng magkapitbahay na bansa. | ulat ni Leo Sarne
📷: NFEM