Ipinagkaloob na sa 408 irrigators sa Ifugao ang kabayaran na abot sa P1,754,400 kapalit ng kanilang paggawa sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced workers o TUPAD program.
Isinagawa ang payout sa walong iba’t ibang venue sa buong lalawigan ng Ifugao nitong nakalipas na dalawang araw.
Ayon sa National Irrigation Administration, ang mga irrigator ay miyembro ng iba’t ibang irrigators’ associations sa munisipalidad ng Lamut, Kiangan, Lagawe, Alfonso Lista, Aguinaldo, Mayoyao, Banaue at Hungduan.
Bahagi ng kanilang trabaho ang paglilinis ng mga kanal sa irrigation facilities ng Hapid Irrigation System gayundin sa ilang communal at small irrigation system na nasa mga munisipalidad.
Ipinatupad ang TUPAD program tungo sa mas magandang serbisyo sa irigasyon na nilagdaan ng Department of Labor and Employment at National Irrigation Administration sa Cordillera Administration Region noong nakalipas na taon. | ulat ni Rey Ferrer
đź“·: NIA