Magsasagawa na ang Department of Foreign Affairs ng voluntary repatriation sa bansang Haiti.
Ito ay matapos isailalim sa alert level 3 bunsod ng nangyayaring kaguluhan sa nasabing bansa.
Dahil din sa naturang alerto ay hindi na rin papayagan ang lahat ng Pilipino na nakatakdang umalis papuntang Haiti at kahit pa ang mga Pinoy na pabalik doon.
Base sa tala ng DFA, mayroong 169 na Pilipino ang kasalukuyang nasa Haiti at karamihan sa mga ito ay nakatira sa Port-au Prince.
Pinapayuhan naman ang mga Pilipino sa haiti na manatiling mapagmatyag, iwasan ang mga pampublikong lugar at limitahan ang non-essential movement. | ulat ni Lorenz Tanjoco