DSWD, nakipag-partner sa Bulacan LGUs, SUCs para sa ‘Tara, Basa!’ program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Palalawakin na rin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lalawigan ng Bulacan ang programa nitong Tara, Basa! Tutoring Program.

Kasunod ito ng nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) ng DSWD Field Office-3 (Central Luzon) Provincial Government at State Colleges and Universities (SUCs) ng Bulacan.

Magbibigay-daan ito sa pagkakataon na maging student tutors o youth development workers ang mga college students sa lalawigan.

Kabilang sa mga inaasahang makikilahok sa programa ang Bulacan State University (BulSU), Bulacan Polytechnic College, at City College of San Jose del Monte.

Sa ilalim ng Tara, Basa! Tutoring Program, makatatanggap ng Cash for Work ang mapipiling college students kapalit ng pagiging tutor sa mga batang nahihirapang magbasa o youth development worker na magsasanay sa mga magulang na maging Nanay-Tatay Tutor sa kanilang mga anak sa bahay.

Layon nitong tulungan ang mga kabataan na nasa elementarya na matuto at bumilis sa kanilang pagbabasa. Isa ito sa recalibrated educational assistance ng ahensya. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us