Handa si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa sakaling hingiin ng Senate Sargeant at Arms ang kanyang tulong sa pag-aresto kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy.
Sinabi ito ng senador kahit pa inamin nitong mabigat sa kanyang kalooban ang naging desisyon ng Senado na maglabas ng arrest order laban sa religious leader.
Ayon kay Dela Rosa, nirerespeto niya ang rules ng Senado at lahat naman na ng compromise ay ginawa at inilatag para sa usaping ito.
Sinabi rin ni Dela Rosa na handa siyang siya mismo ang magbigay seguridad kay Quiboloy oras na makuha na ng Senado ang kustodiya nito kung natatakot ito para sa kanyang seguridad. | ulat ni Nimfa Asuncion