Nananatili ang posisyon ng pamahalaan na hindi gamitin ang anomang military bases ng Pilipinas, para sa offensive action laban sa China.
Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na walang plano o walang interes ang Pilipinas na atakehin ang sinoman o anomang bansa.
Aniya, kailanman ay hindi ito sumagi sa isipan ng Pilipinas.
“We have no, we have no interest in attacking anything or anyone. Not at all, that is the furthest thing from our mind.” -Pangulong Marcos.
Pagbibigay diin ng Pangulo, hindi ito pahihintulutan ng Pilipinas. Maliban na lamang kung nasa gitna ng giyera ang bansa.
Ito aniya ang dahilan kung bakit isinusulong pa rin ng Pilipinas ang kapayapaan sa gitna ng usapin sa South China Sea (SCS), at kung bakit iniiwasan ng Pilipinas ang gulo sa rehiyon.
“No, we would not allow that. Unless we are at war, perhaps, but that’s why we want to keep away from that situation as much as we can for and maintain that, maybe you could describe it as an uneasy peace, but it’s peace nonetheless.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan