Binigyang diin ni Sen. JV Ejercito na ang nangyaring pamamaslang sa golden retriever na asong si Killua ay nagpapakita ng pangangailangang dapat nang agad na ipasa ang panukalang pagrebisa sa Animal Welfare Act (Senate Bill 2458).
Ginawa ng senador ang pahayag kasabay ng pagkondena sa nag-viral na insidente.
Ayon kay Ejercito, ang aksyong ito ay malinaw na paglabag sa batas at sa prinsipyo ng compassion at decency.
Hindi aniya dapat nakakaranas ng ganitong klaseng kalupitan ang mga aso na itinuturing pa namang man’s best friend.
Nanawagan rin si Ejercito sa publiko na magpakita ng simpatya sa mga hayop.
Dapat aniyang asamin nating lahat na makalikha ng isang mundo kung saan ang mga hayop ay tinatrato ng may pag-aalaga at pagrespeto na nararapat lang para sa kanila.| ulat ni Nimfa Asuncion