Natukoy na ng Department of Transportation (DOTr) ang 200 lugar kung saan itatayo ang mga bagong pantanlan sa bansa.
Layon nitong mapabuti ang inter-island connectivity at makalikha ng mga oportunidad sa mga komunidad na malapit sa baybayin.
Sa sidelines ng Philippine Ports and Logistics 2024 expo, sinabi ni Transportation Undersecretary Elmer Sarmiento na ang mga bagong pantalan ay bukod pa sa mga pantalan na itinatayo ng Philippine Ports Authority.
Paliwanag ng opisyal, na ang mga natukoy na pantalan ay mga maliliit na pantalan na tatawaging social tourism at farm-to-market ports, at inaasahang magpapabuti sa connectivity at maisusulong ang paglago ng local economy sa malalayong mga lugar.
Umaasa naman ang DOTr na maaaprubahan ng Department of Budget and Management at ng mga mambabatas ang pondo ng nasabing proyekto.
Kapag naaprubahan, sisimulan ang konstruksyon sa 2025 at inaasahang matatapos sa 2028. | ulat ni Diane Lear