Abot sa 79 na warehouse ng National Food Authority (NFA) ang naka padlock pa rin hanggang sa kasalukuyan.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary at Spokesperson Arnel de Mesa, mananatiling sarado ito habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman sa umano’y nabunyag na anomalya sa ahensya.
Gayunman, may 20 sa mga warehouse ang malapit nang magbukas pagkatapos bawiin ng Ombudsman ang suspensyon sa higit 20 tauhan ng NFA.
Kabilang dito ang mga warehouse sa Cagayan Valley, Western Visayas, at Metro Manila.
Sa kabuuan nasa 169 pang warehouse ang operational. | ulat ni Rey Ferrer